Mahahanay o nahahanay na nga si Kathryn Bernardo sa bida ng 'Twilight Saga' na si Kirstern Stewart.
Ang pagganap niya bilang Mara, na isa pangunahing karakter, sa 'Mara Clara' ang nagtulay sa kanya sa kasikatan pero habang tumatagal (o habang ini-extend) ang telseryeng ito ay lalong lumalala ang kalamyaan sa pag-arte ni Kath bilang Mara. Naku teh, umiinom ka ba ng vitamins? Kung oo, subukan mo isang bote kada araw kasi kulang pa teh.
Nakakaloka talaga ang pag-arte niya eh magaling pang umarte sa commercial yung cute na anak ni Vicky Morales. Walang emosyon ang kanyang pag-arte. Kaya naman mas pabor ako kay Clara, naaawa ako kay Clara kapag di niya naaapi yang si Mara. Kasi naman may ibubuga sa aktingan itong si Julia Montes na gumaganap na Clara. Habang si Kath, may ibubuga sa kalamyaan sa pag-arte. As in kahanay niya si Kirsten Stewart sa palamyaan ng pag-arte. Kapag sinali sa olympics ng mga malalamyamg umarte, I'm sure etong dalawa na ito ay may malaking tsansang magka-medalya. Go Team Philippines!!! :)
Kahit papaano eh naaaliw pa rin ako sa teleseryeng ito. Naaaliw ako sa magaling na pag-arte nina Gina Pareno, Mylene Dizon, Kiray, Julia Montes, Dimples Romana at Jhong Hilario (o wag na hanapin ang iba). Pero mas naaaliw ako sa puro kant*ng pagmumukha nitong si Jhong Hilario.
Pero unti-unting nababawasan ang aliw factor ng seryeng ito dahil sa walang tigil na pag-extend rito. As in hinde na kailangan yung istoryang ipinapalabas nila ngayon. Dahil sa pag-extend ay unti-unting nasisira ang magandang kinang na mayroon ang 2010 version na ito.
Photo via jullbar.com
No comments:
Post a Comment