After magsama sa mahigit tatlong pelikula, kasama dyan ang 'Ang Tanging Ina (Trilogy)', ay magtatapat na ang dalawa sa tinuturing na mga reyna sa larangan ng pagpapatawa sa pelikula ns sina Ai-Ai delas Alas at Eugene Domingo.
Sa darating na Metro manila Film Festival 2011 (MMFF) ay first time magtatapat ang pelikula nina Ai-Ai at Uge. Si Ai-Ai magbibida sa pelikulang pagsasamahan nila ni Vic Sotto ang 'Enteng Ina Mo' under Star Cinema and M-Zet. Habang si Eugene Domingo ay magbabalik bilang Kimmy Dora para sa 'Kimmy Dora 3: N D The Temple of Kiyeme' na produce ng Spring Films ni Piolo Pascual.
Feeling ko pagdating sa Box-Office, magwawagi si Ai-ai delas Alas. Bakit? Naku super daming rason. Pero pagdating sa aktingan, mukhang taob ang beauty ni Ai-ai kay Uge dahil alam naman natin na maski sa 'Ang Tanging Ina (Trilogy)' ay nahihigitan ni Uge ang bidang si Ai-ai.
Pero kailangan natin talaga mapanood ang mga ito sa Pasko para masabi nga natin kung sino ang aangat sa kanilang dalawa.
Photo by Star Cinema
Photo via asimtamis.com
No comments:
Post a Comment