Showing posts with label Philippine Entertainment Buzz. Show all posts
Showing posts with label Philippine Entertainment Buzz. Show all posts

Saturday, September 3, 2011

Kapamilya Star Denise Laurel Isa ng Ina?



Marami ang nagulat ng biglang nawala sa teleseryeng 'Kristine' itong si Denise Laurel. Bulong-bulungan noon na nabuntis ito.

Pagkatapos ng halos isang taon ng kanyang pagkawala, magsasalita na siya sa 'The Buzz', aamin na kaya siya na isa na syang ina?

Photo via ABS-CBN.com

Coco Martin & Matteo Gudicelli Nagsuntukan & Nagsakalan sa Star Magic Ball 2011?



Grabe nagising ako sa ingay ng phone ko dahil sa natanggap kong email about sa news na ito. Totoo kayang sa katatapos lamang na Star Magic Ball 2011 na ginanap sa The Peninsula sa Makati ay nagsuntukan ang mga Kapamilya stars na sina Coco Martin at Matteo Gudicelli?

Totoo rin kayang si Maja Salvador ang naging dahilan? Si Maja ang napapabalitang GF ni Matteo ngayon habang si Coco naman ay nakasama ni Maja sa teleserye. Haba ng buhok ni girl.

Lasing daw sina Matteo and Coco ng mangyari ito? Ang OA magselos ni Matteo ha? Speaking of Coco bukas na ang start ng shooting ng new indie film niya.

UPDATE: Kalalabas ang report ng PEP.ph, ayon sa report sinakal ni Matteo si Coco, ginantihan naman ito ni Coco ng suntok.

Ayon kay Matteo, hinalikan daw ni Coco si Maja sa lips na siya nitong ikinaselos pero ayon kay Maja di raw totoo.

Inamin ni Maja na sila na nga ni Matteo pero di raw niya alam kung saan na ito patungo after mangyari ang insidente.

Photo via ABS-CBN.com

Friday, September 2, 2011

Nora Aunor Nahuling Nagka-Casino!


Balita ngayon sa mga pahayagan ang di umano'y pagpunta ng Supertsar Nora Aunor sa isang casino.

Ayon pa sa mga balita di alam ni Lola Guy na maraming tao ang pupuntahan niyang Casino kaya kahit alam na marami ang makakakilala sa kanya eh go pa rin ang lola ninyo at umaasang may himalang mangyari na di sya makilala ng mga taong nandodoon.
Ayon sa Blind Item ni Manay Lolit Solis na lumabas ngayong araw sa  kanyang kolum sa Pilipino Star Ngayon na di umano't tinalo nito ang kalahating milyon...

Tsk... Tsk... Tsk... Oo nga at wala tayong pakialam sa pera niya, pinagpaguran niya iyon at wala naman din akong nakikitang masama sa pagka-casino pero ang gumastos ng malaki ay parang nakakapanghinayanang. Bilang artista, marami ang humahanga sa iyo, iniidolo ka at ginagaya ka, so parang di magandang imahe ang iyong ipinapakita na maaaring gayahin ng iyong mga taga-hanga.

Kung naiinis ka sa Kalahating Milyon mo bakit di mo ibigay sa charity kesa naman sa Casino....

Wednesday, August 31, 2011

Sharon Cuneta Nawalan ng 3 Endorsements Dahil sa Katabaan


Ayon sa very reliable source mula sa Stratworks, 3 endorsements ni Sharon Cuneta ang nawala sa kanya.

Ayon sa aking source na nakausap ang clients at advertisers, di raw nila muna kukunin si Sharon Cuneta bilang endorser hangga't di ito nakakabawas ng timbang dahil daw imbes na magbawas ay nadagdagan pa daw ang timbang ng Mega Star. Nangunguhulugan na nawala ang maraming milyones na dapat sana kikitain niya.

Pero base sa napapanood kong latest episodes ng 'The Biggest Loser Pinoy Edition' eh mukha naman siyang pumapayat, pero ang source ko ay very reliable.

Thanks kay Kuya H for the tip
Photo by ABS-CBN and Shine

Tuesday, August 30, 2011

Dating Child Star Tom Taus Gumagawa ng Pangalan sa Hollywood Bilang DJ



Proud akong sabihin na laking 'Cedie: Ang Munting Prinsipe' kaya naman ng maging pelikula ito ay nagtiyaga kaming pumila sa sinehan sa unang araw nito. At bata pa lang ako naging Idol ko na ang child star noon na si Tom Taus na gumanap na bida sa pelikula.

Kaya ng mauso ang social media eh hinahanap ko siya using my private account. Isang macho at mahilig mag-DJ na Tom Taus ang makikita sa kanyang profile. Kaya naman ng i-plug ng ABS-CBN na isang dating child star ang gunagawa ng pangalan sa Hollywood bilang DJ eh alam ko ng si TOM ito pero abangan natin sa 'TV Patrol' mamaya.

Photos via Tom Taus Facebook Fan Page

Dating Child Star Tom Taus Gumagawa ng Pangalan sa Hollywood Bilang DJ



Proud akong sabihin na laking 'Cedie: Ang Munting Prinsipe' kaya naman ng maging pelikula ito ay nagtiyaga kaming pumila sa sinehan sa unang araw nito. At bata pa lang ako naging Idol ko na ang child star noon na si Tom Taus na gumanap na bida sa pelikula.

Kaya ng mauso ang social media eh hinahanap ko siya using my private account. Isang macho at mahilig mag-DJ na Tom Taus ang makikita sa kanyang profile. Kaya naman ng i-plug ng ABS-CBN na isang dating child star ang gunagawa ng pangalan sa Hollywood bilang DJ eh alam ko ng si TOM ito pero abangan natin sa 'TV Patrol' mamaya.

Photos via Tom Taus Facebook Fan Page

Tuesday, May 24, 2011

Kristine Hermosa Buntis Na Ayon Kay Oyo Boy Sotto


Kumpirmadong anim na linggo nang buntis ang napakagandang aktres na si Kristine Hermosa. Ayon sa tweet ng asawa niyang si Oyo Boy Sotto (1 hour ago)

Ok eto na.. :) im going to be a father soon.. :) thanks for all the prayers.. This proves that God really answers prayers.. :) yahoooo!!!

Kinumpirma din ng Star Magic, may hawak ng career ni Tin, na anim na linggo ng buntis si Tin. Ilang buwan pa lang ang nakakaraan ng magpakasal ang dalawa.

Source and photo by Oyo Boy Sotto

Wednesday, May 18, 2011

Richard Gutierrez Nagmura at Nanuro ng MMDA


Todo kayod ang simbolo ng 'Biggest Loser' na si Raymond Gutierrez at ang nanay niyang image model na si Annabelle Rama para ipagtanggal ang mala-anghel na si Richard Gutierrez.

Nahuli kanina ng MMDA ang sasakyan ng bida ng 'Captain Jollibarbell' na si super bait-baitan na si Richard Gutierrez dahil di umano'y mabilis magpatakbo ang driver raw nito. Pero ang ikinaloka ng kilay ko ay ang pagmumura at panunuro nitong si Richard sa MMDA traffic enforcers. Kaya ang drama todo ang trabaho ng mag-inang Annabelle at Raymond para malinis ang dumi na ginawa na naman nitong si Richard.

Pinagmumukha na naman sila sa tao na super bait ng kanilang anak. Kalurky. Tsk... tsk... tsk... I'm sure mananahimik na naman rito sina Anne Curtis. Isa pang kalurky.

Photo by GMA

Lorna Tolentino Lilipat sa TV5?


Balitang lilipat na ng ibang TV station ang 'Minsan Lang Kita Iibigin' star na si Ms. Lorna Tolentino.

Ayon pa sa balita sa May 17 na ang nakatakdang meeting nina Ms. Lorna Tolentino sa pamunuan ng TV5 pero ayon sa napakagandang aktres ay wala pa namang pinal na desisyon sila.

Matatapos ang kontrata ni Ms. Lorna after ng 'Minsan Lang Kita Iibigin'

Photo by Lorna Tolentino

Wednesday, May 11, 2011

Pia Guanio Engaged Na!!! Si Vic Sotto Ba Ito?


Kanina sa '24 Oras' ay inamin ni Pia Guanio na siya sa pero hinde kay Bossing Vic Sotto kundi sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Steve Mago.

Dagdag niya pa nagkakakilala na ang kanilang mga pamilya noong Sabado, May 7. At ayon pa sa kanya, wala pang eksaktong petsa ang kanilang kasal.

Photo via blogphilippines.com

Angel Locsin & Phil Younghusband Magkasamang Nanood ng 'In The Name of Love' sa Podium


Kahit hinde nanood si Phil Younghusband sa Premiere Night ng 'In The Name of Love' kagabi sa may SM Megamall eh wag mag worry ang mga fans. Bakit? Dahil ngayong gabi naman (as in sa mga oras na ito) ay magkasamang naonood sina Phil Younghusband at ang bida ng film na espesyal sa puso ni Phil na si Angel Locsin sa Podium.

Ngayong gabi nga ang block screening ng pelikula at mga halos 9PM nang dumating silang dalawa with Bubbles Paraiso.

Pero nasaan nga ba si Phil kagabi? Siya ay nasa concert ni Justin Bieber kung saan kasama niya ang kanyang kapatid na si James at ang GF nito.

Sorce: Scoopbox

Bida ng Teleseryeng 'Atom' na si Bugoy Carino Naaksidente at Nalamog?

Napabalitang naaksidente at nalamog ang bida ng teleseryeng 'Atom' na si Bugoy Carino sa concert ni Justin Bieber kagabi, ayon na rin nga sa tweet ni Ogie Diaz.

Pero ayon sa kampo ni Bugoy, wala raw katotohanan ang kumakalat na balita sa Twitter.

Safe at unharmed po na nakauwi kagabi si Bugoy from Justin Bieber Concert. Pinagkaguluhan po sya kagabi sa concert grounds pero hindi po totoong "nalamog" at "na-hospitalized" kagaya ng kumalat kagabi sa "Twitter". Nag enjoy sya kagabi sa concert, special thanks to Perez family, Sir Jojie at sa mga umalalay kagabi kay Bugoy, mula kay Bugoy thank you din sa mga nagpapicture kagabi at nag hi sa kanya. God Bless.

Sa kasalukuyan di pa nagsisimulang mag-taping ang teleseryeng 'Atom' na under ng Star Cinema. Pero ngayong Mayo na raw baka magsimula ang taping nito.

Photo and Source: Bugoy Carino's Fan Page

Cristy Fermin Ang Pinakamagandang Babae sa Philippine Showbiz. Congrats!

Ipinagmamalaki kong ipinapakilala sa inyo si Ms. Cristy Fermin ang pinakamagandang babae sa balat ng Philippine Showbiz. Ang kuhapong ito ang magpapatunay ng kanyang likas papayang ganda. Kuha mo? Speaking of Kuha Mo... dapat Cristy Fermin at hinde Anna Manalastas ang name ng lead character sa teleseryeng '100 Days to Heaven', Kuha mo?


Photo by Ms. Cristy Fermin's Fans

Tuesday, May 10, 2011

Marian "Darna-saur" Rivera Hinawaan si Sid Lucero

Nakakaloka ang balitang di umano'y pananakit ng 'Amaya' star na si Yummy Sid Lucero sa isang simpleng empleyado ng isang hardware. Ayon sa pagkaka-alala ko ngayon pa lamang nasangkot ang napakagaling na aktor sa ganitong klaseng insidente. Wait, tama ba naiisip ko?

Mukhang tahimik (ayaw ng tsismis), mabait at pribadong taong ito si Timmy Eigenmann perro ayon sa aking pag-aanalisa eh nakatrabaho lang niya ang palingkerang bida ng 'Amaya' ba si Marian "Darna-saur" Rivera eh nagkaroon na si Timmy ng ganitong klaseng insidente.

Nakakahawa pala ang ganda ni Darna-saur, kaulurkY!!! Gandang nagpa-iyak kina Bella Padilla, Fan, Karylle, Katrina Halili at marami pang iba. Ahahaha....

Dapat gumawa ang World Health Organization ng bakona laban sa panghahawang ito.

At malapit na nga pala mag-umpisa ang di umanong pinakamahal na TV show sa Pilipinas ang Epicseryeng 'Amaya', kung saan nga magsasama ang dalawang nabanggit na mga bituin.

Photo by GMA

Thursday, April 14, 2011

JM de Guzman di Kilala ng Mr. Laos Hero Angeles


Nakakaloka ang tweet (a reply) nitong si Mr. Laos na si Hero Angeles.

Kasi may mga nagtu-tweet sa kanya na kahawig daw niya si JM de Guzman, the male lead star of 'Mula sa Puso'. Aba ang sinagot ba naman n i Hero eh hinde raw niya kilala iyon, baka daw baguhan kaya di niya kilala.

Ay naku bakit kasi di na lang linisin ng ibang tao diyan ang puntod kung saan ang nakalibing ang patay na career. Papansin lang? Ay naku naging private bigla ang kanyang twitter account. Kalurky!!! Pero madalas sya manood ng ABS-CBN at hinahanap niya si Tricia Santos pero di niya kilala si JM... ay naku!!!

Pero kanina nga sa Grand Fans Day ng 'Mula sa Puso' ay napaiyak itong si Jm dahil nandoon ang kanyang parents na nanood at umiiyak dahil sa tagumpay na nakamit ng kanilang anak.

Sunday, April 10, 2011

'Mara Clara' Star Diego Loyzaga May Dengue!


How sad!!! Ilang araw pa lamang sa mundo ng Showbiz itong si 'Mara Clara' star Diego Loyzaga ay nagkasakit na siya ng dengue. Ang tita niyang si Bing Loyzaga at pinsan niyang si Alyssa ang nagsugod sa kanya sa ospital

Ngayon nga ay naka-confine siya at ayon sa kanyang Doctor eh maaagapan daw. Get well soon Diego!!!

Source and Photo by Mader Bibs

Karangalan ng Babae ang Mabastos ni Willie Revillame Ayon Kay Cristy Fermin


Naloka ako sa na-tweet ni Gang Badoy na di umano'y nag-komento ang babaeng may pinakamakinis na mukha na si Cristy Fermin sa kanyang radio show na:

Karangalan di umano ng mga babae na mabastos ni Willie

Kadiri. Nakakalurky!!! Mahiya ka naman day! Ang kapal! Ano ba Gabriela.

Ang nasabing komento ay patungkol sa batikos ng ilan na binastos ni Willie Revillame ang mga babaeng celebrity na sina Agot Isidro, K Brosas, Aiza Seguerra, Mylene Dizon, Bianca Gonzalez at Ms. Lea Salonga.

Kadiri talaga!

UPDATE: Actually 2 beses daw niya itong sinabi, isa sa kanyang radio show at isa nga sa 'Juicy' at eto yung video, just click here

Sunday, March 27, 2011

Jericho Rosales at Angeline Quinto Nagkapikunan sa 'ASAP Rocks Cebu'?


Kanina nga ay ginanap ang 'ASAP Rocks Cebu' at isa sa mga naging prod number ay ang Primetime Bida stars chuva.

So gaya ng tradisyon, kakanta ang singer ng themesong ng teleserye then lalabas ang mga stars sa teleserye habang sumisigaw ang mga fans ng:
"Ayan na si Chuvaness!
Grabe ang gwapo mo Tembelu!
I love you Kemvular

So yun na nga ang nangyari. Ang chika sa akin si Angeline Quinto ang kakanta ng theme song ng 'Green Rose' habang ang bida nito na si Jericho Rosales ang rarampa. Pero ang ikinaloka raw ni Angeline (na nakita sa TV ang pagkaloka niya) ay si Echo ang kumanta ng theme song. Ang ending eh hinde nakakanta (solo) si Angeline at balita raw ay napikon raw ito. May ibang chika namam na ayaw ipakanta ni Echo sa iba ang sarili niyang kanta? May ganun? Oh well, chika pa lang naman ang balitang pikunan. If true, sana magkaayos na sila. Pero sana di totooo para bi-bi-bi-bida best sa tag-araw! Bi-bi-bi-bingka bibingka kayo dyan! x

Photo via jeesalxz.blogspot.com

Tuesday, March 22, 2011

Carmen Soo Sinundan si Chris Tiu sa Pilipinas?


Kasalakuyang nasa Pilipinas ang napakagandang Malaysian actress na si Carmen Soo.

Ayon sa mga bulungan ng mga taong mahilig magbulungan, sinundan daw di umano ni Carmen ang Pinoy basketball player na si Chris Tiu dito sa Pilipinas.

Halos isang linggo na ang nakakaraan nang magkita ang dalawa sa Singapore para sa isang Adidas event.

Nang tanungin si Carmen kung bakit siya nandito sa Pilipinas ang naging sagot ng magandang dalaga ay para sa isang short trip. Hinde rin daw trabaho ang sinadya niya rito dahil magiging busy siya sa Malaysia at Singapore in the coming months.

Pero ayon nga sa ilan... Si Chris Tiu raw ang sinadya ni Carmen rito. Eh wala namang masama kung mag-ibigan sila Carmen at Chris basta single lamang sila.

Kapag kumain si Carmen sa napakasarap na Happy Lemon then confirmed.

Photo by ABS-CBN

Monday, March 21, 2011

PHOTO: Pagbabati Nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes

Marami nga ang natuwa sa paghingi ng sorry ni Sarah Geronimo kay Cristine Reyes at ngayon nga ay okay na sila.

Ang paghingi ng sorry ni Sarah ay nangyari sa backstage ng 'ASAP Rocks' kahapon, ilang araw bago ipalabas ang pelikula nila Sarah at Gerald Anderson na 'Catch Me... I'm In Love'.

Nakaka-iyak ang litratong makikita mo sa ibaba. So happy na okay na sila... at nag move on na sila... Peace peace with love love love.

At least nabawasan ang maraming alitan sa showbiz!!!


Salamat kay Roxy Liquigan para sa litrato