Kasi di ba sila yung mga walang energy na teens na sumira at naging dahilan ng pagkatsugi ng 'Shoutout'. Wala akong inis sa mga teens becoming bidas, I even admire the lead stars of 'Mara Clara', but this is a horror series, and kung pagbabasehan mo ang cast then I am expecting a romantic-comedy series in a gothic settings. It is like eating Laeng Pizza, you know it is good, but it is not great. Yung tipong sana nag Regular Pizza na lang ako instead of this Laeng flavor.
Remember noong book 2 ng original 'Okatokat' ay mga bagets ang nagbida pero hinde ito nag-click, na-tsugi agad. Okay lang kung may teens basta mga adult stars ang bida, just to be more realistic gaya nung pinaka-unang version nito.
Okay, you love teens? So para mo na ring sinabi na pwede ang teens magbida sa Pinoy version ng 'Grey's Anatomy', oh c'mon? Namimiss ko na yung mga panahon na mga adult actors ang bida sa show gaya ng 'Oki Doki Doc', 'Home Along da Riles', 'Palibhasa Lalake', 'Valiente', 'Abangan ang Susunod na Kabanata' atbp.
Ngayon kasi puro mga teen stars ang bida sa ABS-CBN. Parang 'The Buzz' at mga news shows na lang ang may adult personalities na bida. I think ABS-CBN is becoming a Disney Channel, where you can see teen stars leading the shows, and for me it is cute and funny business.
Photo by ABS-CBN
No comments:
Post a Comment