Sunday, February 27, 2011

'Pilipinas Got Talent 2' Puno ng Talento at Aliw


Tama ang naging desisyon ko kagabi na panoorin ang unang episode ng 'Pilipinas Got Talent (Season 2)' dahil nabusog ako sa aliw factor at gayundin sa mga talentong mayroon sa show na ito. Actually, hinde lang ako nabusog sa mga talento bagkus napamangha ako.

Natuwa ako dahil ang ganda-ganda ng floor ng stage, I just love the colours, gusto ko ganun ang hitsura ng sahig ng bahay ko. At isa pa ang ikinasiya ko ay nag-improve ang big 3 judges bilang mga hurado. Alam mo yung feeling na nagpapakatotoo na sila, di gaya noong nakaraang taon na bait-baitan pa sila, siguro dahil first time or election time then.

Sa mga naging performances naman, kahit walang talento yang Harold na yan, eh bongga naman ang aliw factor at lakas ng loob ang kanyang ipinakita kaya naman he deserves to get YES from the judges. I was so happy when FMG said Yes, it was a magical moment. Yung girl na visually impaired ay magaling mag-piano pero in terms of singing, it was good but not great, it was flat. Napabilib ako dun sa Hula Hoops Girl dahil super galing niya, alam ninyo ba na sumali na siya dati sa 'Eat Bulaga' at 'Talentadong Pinoy'.

Base sa mga teaser ng upcoming episode nila ay mas marami at mas bongga pang mga talentong kailangan natin abangan. Remember, yung audition ni Jovit 'Nasaan Ang Leeg Ko At Amoy Yosi Ako' Baldivino ay hinde lumabas sa unang episode, meaning expect better and bigger talents in the coming episodes. To be honest, this season's pilot episode is 95 times better than last year's. Kumpara sa 'Talentadong Pinoy', mas sosyal, mas nakaka-aliw ang judges at mas may talento ang 'Pilipinas Got Talent (Season 2)'.

No comments:

Post a Comment