ang pelikulang 'Taksikab' ay repleksyon ng buhay sa kasalukuyan at kung ano ang pagtingin ng mga tauhan na hinalaw sa totoong buhay. Lahat ng mga karakter ko dito ay may koneksyon sa taxi. Ito ay nakatakdang ipalabas sa Abril pero pinapayuhan na mas maganda kung papanoorin ito sa premire night nito sa March 27 dahil baka ito lang ang chance na mapanood ito sa kanyang integral version. For more infos about the premiere night of this film just go here.
Bakit karamihan sa indie films ay tungkol sa gay and sex?
Economy at profitability. may aspeto din na shock effect at freedom of expression, at preference siyempre
Bilang isang indie film director, sa iyong opinyon, makatotohanan ba ang mga pelikulang mainstream sa ating bansa?
Masarap manood ng mainstream para maglibang. Marami ding mainstream films ang nagpapakita ng katotohanan at may mataas na artistic at production values.
May paborito ka bang Pinoy mainstream film? Anong mga pelikulang ito?
Lumaki ako na nanonood ng mga mainstream films. kelan lamang ang digital independent films. pinakapaborito ko siyempre ang mga pelikula nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, at Mario Ohara. May mga ginawa silang mga komersyal pero matataas ang kalidad.
Sino sa mga mainstream actors/actresses ang gusto mong makatrabaho? Bakit?
Gusto ko siyempre maidirek o maisulat ng karakter ang idolo kong si Nora Aunor. Sa lalake naman, si Jay Manalo.
Kung isa kang mambabatas, anong batas ang gagawin mo para matulungan ang film industry ng bansa natin?
Kung kaya natin magbigay ng subsidy sa mga pelikula katulad ng Emir, kaya natin bigyan ang bawat pelikulang malalaya sa komersyalismo ng tulong pinansyal sa lahat ng pagkakataon. Importante din na may batas na mangangalaga sa karapatan ng mga manggagawa sa pelikula. Lastly, mababang buwis at mas pabor na hatian sa kita ng pelikula sa pagitan ng mga sinehan at producers.
Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap na gumagawa ng mainstream film at teleserye?
Oo gusto ko ding gumawa ng mainstream films at teleserye pero dapat ay malaya pa din akong makakagawa ng ayon sa aking sining at paninindigan.
Ano ang susunod mong proyekto pagkatapos ng pelikulang ito?
May dalawa pa akong pelikula na ididirek. Ang isa ay pinag-iisipan ko pa ng bagong materyal at ang isa ay sa datihan ng materyal na gagawan ng bagong areglo. Magkaibang producer ito at magkaibang atake.
Huling tanong. Bakit namin kailangang panoorin ang 'Taksikab'?
Kailangan nyo mapanood ang 'Taksikab' dahil isa itong pelikula na may bagong anyo. Ang mga tauhan ay pamilyar pero kakaiba ang kanilang interpretasyon sa kanilang mga personalidad. Ilan pa bang pelikula ngayon ang lumalampas sa tatlong oras na hindi lamang puro exposition kundi aksyon-reaksyon sa mga bagay na hindi pa natin personal na nasasaksihan. Mahuhusay ang mga nagsipagganap at lahat ng inaasahan nyo sa isang indie film na may temang sekswal at socio-kultural ay naipakita lahat dito. Walang takot. Walang harang.
Muli nagpapasalamat ako kay Direk Archie Del Mundo sa pagpapaunlak sa panayam na ito. Huwag natin kakalimutan ang indie film na 'Taksikab'!!!
Read the whole interview
Part 1 Read Here...
Part 2 Read Here...
No comments:
Post a Comment