Narito ang ikalawang bahagi ng aking panayam sa Direktor ng indie film na 'Taksikab'.
Ayon nga sa Direktor na si Archie Del Mundo, ang pelikulang 'Taksikab' ay repleksyon ng buhay sa kasalukuyan at kung ano ang pagtingin ng mga tauhan na hinalaw sa totoong buhay. Lahat ng mga karakter ko dito ay may koneksyon sa taxi. Ito ay nakatakdang ipalabas sa Abril pero pinapayuhan na mas maganda kung papanoorin ito sa premire night nito sa March 27 dahil baka ito lang ang chance na mapanood ito sa kanyang integral version. For more infos about the premiere night of this film just go here.
Ito nga ang una niyang pelikula bilang direktor at sa pelikulang ito ay may nasigawan na siya sa cast.
Oo meron ako nasigawan na artista. Isa lang. Nagawa ko yun kasi nataranta ako sa ulan, sa papasikat na araw, at sa kalituhan namin pareho.
Hinde kaya siya natakot na manigaw?
Malakas ang loob ko na sigawan siya kasi matagal na kaming magkakilala at nagkatrabaho.
Masaya naman daw siya sa cast niya pero sino kaya sa mga ito ang nagpakita ng napakabonggang performance bilang isang aktor. (sana si Jonas)
Masaya ako sa performance nilang lahat. Natural na nangibabaw si Kristofer King syempre.
Oh well umasa ako na si Kuya Jonas... pero okay fine ang bida nito na si Kristoffer ang napili niya.
Magka-aminan na!!! Isa sa maraming dahilan kung bakit ko gusto panoorin ang pelikulang ito ay dahil ilan sa mga cast nito ay nagpakita na kanilang natatanging yaman bilang isang lalake... ang tinutukoy ko syempre ay ang kanilang Trending Topic (initials please). Pero bilang isang baklang lalake, gusto ko malaman kung papaano napapayag ng isang direktor ang mga artista niya na maghubad sa pelikula. Ayon kay Direk Archie...
Audition pa lang alam na nila ang requirement ng role kaya hindi na sila kailangan kumbinsihin.
Taray!!! Pero inggit na inggit ako kay Direk Archie kasi napapanood ng live o nakikta niya mismo ang mga cast na nakahubad... sana pala sumama ako sa shooting para matanaw ko naman ang mga tagong yaman ng Pilipinas... Pero since wala ako roon, sino kaya ang may pianakamahabang Trending Topic (initials please).
Hindi ko maikukumpara lahat dahil mas nakatutok ako sa mukha ng aktor at sa kabuuan ng shots
Hmmmm.... kung ako ang direktor baka hinde na ako nakapag-direk kasi yung tanawin na ang tutukan ko. Sino naman kaya ang pinakaflawless?
Pinakaflawless si Kevin Vitug
Wow! Sa mga magtatanong kung sino si Kevin Vitug...basahin mo ang post na ito, just click here
Balita ko pa hinde nahirapan si Direk Archie na gawin o kuhanan ang mga maiinit na eksena, bakit kaya?
Hindi ako masyadong nahirapan dahil may workshop at rehearsals naman bago pa dumating ang actual na shoot.
Ayon pa kay Direk, ang pinakapaborito niyang eksena ay ang...
... mga eksenang tuloy tuloy na nakuhanan lamang namin ng one take at walang mali.
Ang taray!!! Bongga ang tuloy-tuloy.
Hinde pa ito ang huling bahagi ng aking panayam kay Direk Archie... abangan sa mga susunod na araw ang ikatloa at huling bahagi.
Read the whole interview
Part 1 Read Here...
Part 3 Read Here...
Photo by Dale Bacar
No comments:
Post a Comment