Thursday, September 1, 2011

'SNN' Tsugi na Next Week


Dahil sa mga mababaw na showbiz news na hinde man lang lumivel sa 'ET' at 'The Insider' ay puro mababang ratings ang nakukuha ng showbiz news program na 'SNN: Showbiz News Ngayon' kaya parati silang pinapataob ng news program na 'Saksi'. Isa pang dahilan ng pagbaba ng ratings nito ay ang pagpasok ni Bianca Gonzales bilang host nito na pumalit kay Kris Aquino.

Walang kuwestiyon, magaling na host itong si Bianca pero yung image niya bilang host ay mas bagay sa mga shows na 'Y! Spoeak' yung mga malalimang talakayan. Isa pang rason daw ay maghohost daw ng daily itong si Bianca sa 'Pinoy Big Brother Unlimited', sa ngayon di natin alam kung sa hapon, sa midnight (uplate) o sa daily updates.

Kung si Bianca ay may 'Pinoy Big Brother Unlimited' na pupuntahan, meron namang mas bonggang show na pupuntahan si Tito Boy Abunda, kung ano ito, click mo ito.

Nagsimula noong February 2009 ang 'SNN: Showbiz News Ngayon' kung saan si Willie Revillame ang una nilang na i-feature kung saan nagtamo sila ng 27% ratings natiowide at next week nga raw ito magpapaalam.

No comments:

Post a Comment