Showing posts with label TV. Show all posts
Showing posts with label TV. Show all posts

Thursday, September 1, 2011

'SNN' Tsugi na Next Week


Dahil sa mga mababaw na showbiz news na hinde man lang lumivel sa 'ET' at 'The Insider' ay puro mababang ratings ang nakukuha ng showbiz news program na 'SNN: Showbiz News Ngayon' kaya parati silang pinapataob ng news program na 'Saksi'. Isa pang dahilan ng pagbaba ng ratings nito ay ang pagpasok ni Bianca Gonzales bilang host nito na pumalit kay Kris Aquino.

Walang kuwestiyon, magaling na host itong si Bianca pero yung image niya bilang host ay mas bagay sa mga shows na 'Y! Spoeak' yung mga malalimang talakayan. Isa pang rason daw ay maghohost daw ng daily itong si Bianca sa 'Pinoy Big Brother Unlimited', sa ngayon di natin alam kung sa hapon, sa midnight (uplate) o sa daily updates.

Kung si Bianca ay may 'Pinoy Big Brother Unlimited' na pupuntahan, meron namang mas bonggang show na pupuntahan si Tito Boy Abunda, kung ano ito, click mo ito.

Nagsimula noong February 2009 ang 'SNN: Showbiz News Ngayon' kung saan si Willie Revillame ang una nilang na i-feature kung saan nagtamo sila ng 27% ratings natiowide at next week nga raw ito magpapaalam.

Wednesday, August 31, 2011

Christine Bersola-Babao & Edu Manzano Lumipat na sa TV5

Kumpirmado na ngang lumipat na sina Christine Bersola-Babao at Edu Manzano sa TV5 na mga dating Kapamilya.

Si Christine ay ang bagong kumare sa early morning show na 'Sapul sa Singko'. Si Edu ay magkakaroong ng TV show na ilalagay sa noontime block ng TV5! Photo by Christine Babao

CONFIRMED: 'Pinoy Big Brother Unlimited' ang Title ng PBB Season 4


Kakukumpirma lang sa akin ng isa sa staff ng unit ni Direk lauren na ang 4th season ng 'Pinoy Big Brother' ay tatawaging 'Pinoy Big Brother Unlimited'.

So abangan natin ang unlimited twists, secrets and tasks sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya sa October.

Photo via Pinoy Big Brother 4 Fan Page

'Pinoy Big Brother season 4: Unlimited' May Unlimited na Surpresa?


Marami na nga ang excited sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya, ang pagsisimula ng Most-Watched Reality Show in the Philippines at balita ko ang subtitle nito at ang tema nito ay UNLIMITED. Ano kaya ang ibig sabihin ng UNLIMITED? Anu-ano kaya ang UNLIMITED surprises, twists at secrets ni KUya? UNLIMITED din nga ba ang bilang ng Housemates na papasok sa Bahay niya?

Sa October natin malalaman kung tema nga ba ng 'Pinoy Big Brother season 4' ay UNLIMITED.

UPDATE: Kumpirmadong title malalaman mo just click here

Photo via Pinoy Big Brother 4 Fan Page

1st Episode ng 'Junior MasterChef Pinoy Edition' Wagi sa Ratings


Bongga ang naging unang episode ng 'Junior MasterChef Pinoy Edition' dahil sa bongga nitong quality na maihahanay sa 'Junior MasterChef Australia' at wala akong nakitang aspetong kabaduyan!

Hinde lang sa quality sila bongga pati na rin sa TV ratings dahil ang show na ito ang 2nd most-watched program noong Sabado, 27 August. Napataob din nito ang puro kabaduyang talent show na 'Pilipinas Got Talent 3'. Eto ang naging ranking:

1st: 'MMK' - 34.7%
2nd: 'Junior MasterChef Pinoy Edition' - 27.8%
3rd: 'PGT' - 27.7%

Gabi-gabi ng Mapapanood ang 'Junior Master Chef Pinoy Edition'

Photo by ABS-CBN and Shine

Deserving ba si Larry Maging 1st 'Pinoy Biggest Loser'?


Matapos ang 5 buwan ay ilang linggo na lang at malalaman na ang 3 Bigateng Pinoy ang maglalaban para maging kauna-unahang Pinoy Biggest Loser at isa naman sa 13 napauwi mula sa camp ang tatangahalin namang Home Winner.

Sa anim na natira, maski sino sa kanila ay deserving manalo pero tandaan na ang pagbabasehan na timbang nila ay yung timbang nila noong una silang ma-weigh in. Remember kahit 100 lbs. na ang nabawas isang contestant eh maliit pa rin ito kung nasa 300 lbs ka nag-umpisa, just 33.33% weight loss lang yan so depende talaga kung ano ang una mong timbang at kung ilan yung nabawa mong timbang. So kung nasa 300 lbs. ka nag-umpisa dapat halos 150% ang nabawas mo lumalamang yung mga may mababang timbang nung mag-umpisa tapos halos kasing dami mo lang ang nabawas.

Si Larry wala pang 300 lbs. ng mag-umpisa at malapit na sya sa 150 lb. mark at sa kanilang lahat sya yung may pinakamalaking nagbago sa pisikal na aspeto para sa akin mukhang siya ang mananalo pero depende pa rin yan sa mga susunod pang mangyayari, gaya ng sabi niya sa 'Biggest Loser Pinoy Edition' ay di lang pagbabawas ng tibang ang kailangan pati na rin strategy. Infairness, ayoko sa kanya noong umpisa kasi maka-red team ako eh!

Eto dapat abangan sa nalalabing mga linggo ng napakabigateng reality show na ito... click here

Photo by Chinggay Andrada

Tuesday, August 30, 2011

Final Night ng 'Biggest Loser Pinoy Edition' Mapapanood ng LIVE!


Nalalapit na nga ang pagtatapos ng Pinakabigateng Reality Show sa Philippine TV at masasabi kong (by far) the Best Reality Show of the Philippines - 'The Biggest Loser Pinoy Edition'.

Mapapanood ng LIVE ang nasabing huling gabi na magaganap ilang linggo na lang mula ngayon. Sa nasabing gabi magaganap ang makakasaysayng Final Weigh In sa 1st season ng reality show na ito. Muling titimbangin ang 16 na Bigateng Pinoy. Malalaman na rin kung sino sa 13 napauwi mula sa camp ang tatanghaling 1st Home Winner ng reality show. At sa natitirang 3 Bigateng Pinoy ay isa sa kanila ang tataguriang kauna-unahang Pinoy Biggest Loser.

Bago pa maganap ang Final Weigh In ay dapat ninyong abangan ang isang Gala Event.

Photo by ABS-CBN & Shine

ABS-CBN & TV5 Inilampaso ang GMA sa TV Ratings

Ayon sa AGB-NMR TV Ratings result noong nakaraang Sabado, 27 August ay nilampaso ng ABS-CBN at TV5 ang GMA mapa Mega Manila man o Nationwide.

Ang nasabing resulta ay para sa mula 6-10PM ng araw na iyon kung kailan nagsimula ang 1st episode ng 'Junior MasterChef Pinoy Edition'... eto ang resulta:

Mega Manila:
1. ABS-CBN - 10.6% (30.8%)
2. TV5 - 9.4% (27.5%)
3. GMA - 8.7% (25.5%)

Nationwide:
1. ABS-CBN - 14.5% (40.3%)
2. TV5 - 8.2% (22.7%)
3. GMA - 7.9% (21.8%)

Thanks Philippine TV Ratings for the tip

Monday, August 29, 2011

Philippine Version ng 'The Voice' Mapapanood sa ABS-CBN sa 2012


Mula sa isa sa mga founders ng Endemol at ang lumikha sa 'Big Brother' na si John de Mol isang bagong reality show ang mapapanood sa ABS-CBN sa 2012 na hawawakan ng unit ni Direk Lauren Dyogi ang Philippine Version ng 'The Voice of Holland' or simply 'The Voice'.

Nagmula sa bansang Netherlands lalo pang sumikat ang franchise na ito ng maging hit ang unang season ng US version nito na kung saan naging judges sina Christina Aguilera at Adam Levine.

Maraming nagsasabing mas maganda ang format nito kesa sa 'American Idol'. Ang may hawak ng rfranchise na ito ay Talpa ni John de Mol at hinde Endemol.

Photo by NBC and Talpa

Gabi-gabi ng Mapapanood ang 'Junior Master Chef Pinoy Edition'


Marami na naman napahanga ng ABS-CBN sa kanilang bagong reality show na 'Junior Master Chef Pinoy Edition' dahil gaya ng 'Biggest Loser Pinoy Edition', isang matino at world class na dating ang napanood ng mga Pinoy. Pero after mapili ang Top 20 ng nasabing reality show ay mapapanood na daw ito ng gabi-gabi. Kailangan pa natin mag-antay ng isang buwan o medyo higit pa.

Photo by ABS-CBN and Shine

Thursday, August 18, 2011

Geneva Cruz & KC Montero Pasok sa 'Survivor Philippines'. Kapamilya VJ Pasok Din?


Ayon sa aking source na itago natin sa initials na TY o Thank You na isang talent ng Viva Artist, di umano'y pasok sa 2nd season ng 'Survivor Philippines Celebrity Showdown' sina Geneva Cruz at KC Montero bilang magkatandem.


Nabalitaan ko rin na pasok rin daw ang MYX VJ at Viva Artist Talent na si Chino Pio... Pero wala pa ring kumpirmasyon... antayin nating huminto sya sa Twitter na nangangahulugan na kasali nga sya. If ever kaya na ba nyang iwan ang pagiging VJ at maging Kapuso kaya siya

Photo by Geneva Cruz, Gen by Darrel Pobre
Hair and Make up by Nina Dumpa Photography by Darrel Pobre

Format ng 'Biggest Loser Doubles' Ginaya ng 'Survivor Philippines Celebrity Showdown'


Matapos nga i-anunsyo ni Direk Lauren Dyogi, ABS-CBN Business Unit Head, na ang susunod na season ng hit Kapamilya reality show na 'The Biggest Loser Pinoy Edition ay may DUO format na tatawaging 'The Biggest Loser Doubles'. Good thing after ito ma-anunsyo ni Direk Lauren eh inere na agad na nila ang TV plug para sa auditions nito.

Bakit naging good thing ito? Dahil ang nasabing DUO format ay sya ring format ng upcoming 2nd season ng 'Survivor Philippines Celebrity Showdown' ng GMA. Kung hinde agad umere ang nasabing plug ay baka isipin ng mga tao na ang ABS-CBN ang kumopya sa Duo format ng 'Survivor Philippines Celebrity Showdown' na mulhang mas mauunang umere sa 'The Biggest Loser Doubles' dahil mukhang itatapat ito sa 'Pinoy Big Brother 4'.

Photo via thetfcgodfather.blogspot.com

Saturday, July 2, 2011

TV5 to Air 'Harry Potter' Films

In the celebration of the release of Final 'Harry Potter' film - 'Deathly Hallows 2', TV 5 is going to air the two 'Harry Potter' films: 'Prisoner of Azkaban' and 'Goblet of Fire'


'Prisoner of Azkaban' to air tomorrow, July 3, 3PM

'Goblet of Fire' to air next Sunday, Jul 10, 3Pm also after 'Paparazzi'

the films will be dubbed in Filipino... HMmmm... except for some Potter words like Expecto Patronum

'Harry Potter and the Deathly Hallows - Part 2' hits Philippine 3D and 2D Theatres July 14....

Photo by Warner Bros. Pictures

Tuesday, June 21, 2011

'Graduation' - Final Episode of 'Glee 3', Finn & Rachel to Leave the Show


It is confirmed! Many members of New Directions are set to leave the show 'Glee' on the next season, including my crush Finn, Rachel and Finn, as confirmed by the show's producer. The said members are going to graduate from McKinley High.

According to their plans, 'Graduation' is the Final Episode of 'Glee (season 3)'. The producers are now looking for the new cast.

Photo by FOX

Wednesday, June 15, 2011

Season 2 ng 'Biggest Loser Pinoy Edition' Para sa mga Bigating Couple


Ilang Linggo pa lang umeere ang bagong reality show ng Kapamilya station, ang 'Biggest Loser Pinoy Edition', ay kinukumpirma na ng unit ni Direk Laurenti Dyogi ang season 2 nito.

Sa 2nd season nito, magbibida naman ang mga bigateng couple na may minimum weight na 200 lbs (girls) at 250 lbs (boys).

Kaya kung may kakilala kayong mga Bigateng Couple, sabihang maghanda na para sa parating na auditions.

Photo via jmthebest.com

KUMPIRMADO: 'Darna' & 'Dyesebel' Kapamilya Na


Kumpirmado na ngang may mga bagong Kapamilyas ang ABS-CBN. Labingtatlo sa mga klasikong likha ni Mars Ravelo ay nabili na ng Kapamilya station ang rights.

Tatlo nga sa mga ito ay ang 'Darna', 'Dyesebel' at 'Jack En Jill'.

Ang balita pa ay sina Vice Ganda at Anne Curtis ang magbibida sa 'Jack En Jill' at baka daw iwan muna raw ni Vice ang 'Showtime' para tumuon sa paggawa ng Bekiserye niya. Pero sa kasalukuyan ay wala pang kumpirmasyon ang balitang ito. I smell some 'Justice League' or 'The Avengers' teleserye in the future.

Photo by GMA

Monday, June 13, 2011

Mapa ng Negros Inalis sa 'Lupang Hinirang' MV ng ABS-CBN! Mga Taga-Negros Nag-React :(

Marami ang nagandahan sa 2011 version ng 'Lupang Hinirang' na produced ng ABS-CBN at Star Cinema, na inilabas nga kahapon kasabay sa pagdiriwang ng ika-113 anibersaryo na ating Araw ng Kalayaan.

Pero napag-alaman ko sa tulong ni Kenjie Garcia, na marami palang taga Negros ang nakapansin at nag-react na wala pala sa mapa ng Pilipinas sa nasabing Music Video ang dalawng probinsya ng Negros.

Hinde nga ito madaling mapansin, pero para sa mga taga-Negros ay medyo nalungkot sila sa pagkakamaling nagawa ng Kapamilya station. Feeling ko hinde naman sadya ang nasabing pagkakamali. Pero gayunpaman, gaya ng mga hiling ng mga taga-Negros ay sana maaayos ito ng ABS-CBN.

Eto ang pagkukumpara:

Photo via Yoshke

Photo via Paradise Palawan

Thanks Kenjie Garcia for the tip

Friday, June 3, 2011

Teleseryeng 'Nasaan ka Elisa?' Ilalagay sa Primetime Bida?



Hinde nga nasunod ang plano ng ABS-CBN para sa Kapamilya Gold kung saan ilalabas nila ang mga teleserye nilang may quality na pang-primetime sa afternoon block nila.

Isa nga dapat sa mga teleseryeng ito ay ang Pinoy adaptation na 'Nasaan ka Elisa?'. First quarter pa lang ng taong ito ay umeere na ang mga TV plugs nito at dapat noong summer pa ito nagsimula pero June na wala pa rin/

Ayon sa nabalitaan ko, di umano'y may contract clause ang dalawa sa cast nito na sina Agot Isidro at Albert Martinez na ang mga teleseryeng gagawin nila sa Kapamilya station ay sa primetime lamang eere, pero bakit ang 'Agimat' ni Ms. Agot ay sa hapon lumabas? Pero kung sa bagay dapat talaga sa primetime yun.

Isa pa raw dahilan ay di umano'y di raw bagay sa Hapon ang mga maseselang eksena at istorya ng teleseryeng ito sa Hapon ayon sa MTRCB. Kaya raw dapat sa late part ng Primetime Bida daw ito dapat ilagay. Dagdag pa sa nasagap ko, hinde raw mailagay ito sa Primetime dahil punong-puno na ang mga TV shows ang nasabing primetime block.

Ay naku bet na bet ko ang show na ito dahil sa kakaibang istorya nito kaya excited na akong mapanood ito.

Photos by ABS-CBN and Telemundo

Monday, May 23, 2011

Katapusan ng 'Mara Clara' Magiging Interactive!!! Nakasalalay nga ba sa Taong Bayan ang Ending?


Ilang oras bago mag-umpisa ang Huling 10 Episodes ng Ina ng Pinoy Teleserye na 'Mara Clara' (habang sinusulat ko) ay napag-alaman kong interactive ang magiging drama ng katapusan ng seryeng ito.

Meaning may say tayong viewers sa kung ano ang magiging katapusan nito. Kung papaano sumali o lumahok ay manood lamang mamaya ng 'Mara Clara'.

Sunday, May 22, 2011

Thai Superstar Mario Maurer Pupunta ng Pilipinas?

Ang byxbuzz ang unang blog ang nagbalita na mapapanood na si Mario Maurer sa ABS-CBN via 'A Crazy Little Thing Called Love' (eto ang link oh) kaya lang nga may ilang blog dyan sa tabi-tabi ang may ganang mangopya, pati title ng entry ko kinopya. Check my fan page... naka-link ang blog ko sa fanpage at twitter ko, after kong ma-post eh mapopost na sa fan page at twitter ko ang link.

Back to Mario Maurer, dapat ninyong panoorin ang 'A Crazy Little Thing Called Love' dahil mas maganda at mas nakakakilig ito kesa sa usual Pinoy RomCom films. Pero ito ang bongga, totoo kaya ang nasagap ko na kapag mataas or super taas ng rating nito ay baka ipalbas sa ABS-CBN ang iba pang soap operas at pelikula ni Mario Maurer sa Pilipinas at take note baka madala pa sa Pilipinas si Mario... naku kaya let's support this film sa ABS-CBN.

Gaya ng nakakarami, sana maganda ang pagka-dub ng ABS-CBN at saka sana wag nilang putulin mga eksena sa pelikula.

Photo via ilovemariomaurer.blogspot.com