Monday, February 28, 2011

Pelikulang 'Catch Me... I'm In Love' Nakaka-excite, 2nd Teaser Lalabas na Bukas


Wow balita ko lalabas bukas, Martes, ang 2nd teaser ng pelikula ng Star Cinema at Viva Films na 'Catch Me... I'm In Love'.

Kung sa unang teaser nito, na lumabas kahapon, eh napakilig na kayo kina Gerald Anderson at doon sa isang bidang si Sarah-rita Gee Belles (aka The Talent Fee Queen) eh mas nakakakilig pa daw ang ating matutunghayan sa 2nd teaser.

Ang pelikulang ito ay nakatakdang ipalabas sa March 23, 2011 at ngayon pa lamang ay excited na ako na panoorin ito, dahil:
-Pelikula ito ng Star Cinema
-Si Mae Cruz daw direktor nito na nag-direk ng 'Magkaribal'
-Syempre dahil sa mga mababait, gwapo, masasarap at higit sa lahat mga hinde plastik na bida nitong sina Matteo Gudicelli
-Maganda raw ang pagkakanta ni Sarah-rita sa kantang 'Fallin'

Pero wala sa rason na ito si Sarah-rita bilang tao. Yun lang!!! Salamat!!!

Photo owned by ABS-CBN

No comments:

Post a Comment