Friday, February 25, 2011

Sarah Geronimo Ginagamit si Rayver Cruz Para Pag-usapan ang Pelikula Niyang 'Catch Me... I'm In Love'?

Unang-una, pansinin ninyo ang title ng post ko - patanong iyan?

Nagtatanong lang po ako kay Sarah 'Talent Fee Queen' Geronimo... Kasi napansin ko na kailan nalalapit ang 23 March, ang release date ng pelikula niya with Gerald Anderson na 'Catch Me... I'm in Love', eh saka naman siya daldal ng daldal, dakdak ng dakdak, at pa-interview ng pa-interview tungkol sa naging relasyon niya kay Rayver Cruz. Hello, bakit noong December di siya nagsalita, noong panahon na ibinubunyag ni Cristine Reyes ang di-umano'y mga baho ni Sarah? Okay fine... Ayaw mo ng December pero sa pagkaka-alam ko may 31 days ang buwan ng January. Naku teh... Tigilan ako, isa ka ngang drama princess.

Sana nga mali ang napapansin ko, pero teh di mo kailangan mag-ingay. Lalabas na nga mga interview mo, yung isa nga ay eere sa 'TeeeVeeeey Patrol'. Kung talagang maganda ang pelikula mo eh kikita yan without doing this issue. At saka marami akong nababasa at nadidinig na may chemistry at genetics kayo ni Papa Gerald Anderson, so yun palang eh makakatulong na para ma-promote ang film mo. At ang husay ng promo team ng Star Cinema ay hinde matatawaran, kaya worries no more, noh? At saka marami kang pinapasalamatan na fans, oh ayan marami kang fans kaya maraming manonood ng film mo, pero nasaan kaya sila noong umeere ang '1DOL'? Naku magapa-loyalty check na, baka bumaba talent fee mo sige ka...

Tsk... Tsk... Oh kung kating-kati ka na gant*han si Rayver Cruz bakit di mo na lang antayin matapos ang pelikula mo?

Napapansin ko lang naman ito, malay natin napapansin ninyo rin? Ahahaha...

Photo by Bench

No comments:

Post a Comment