Monday, February 28, 2011

Valerie Concepcion Kasama sa 'Mula sa Puso'? May Teleserye Pa sa TV5!

Nabobonggahan ako sa artistang si Valerie Concepcion dahil pinatunayan niyang hinde nakamamatay ang pagtawid. Did you get it neurons?

Eto kasing si Val eh may 2 bagong teleseryeng gagawin, pero ang ikinabongga nito ay ang nasabing mga teleserye ay mula sa 2 TV stations. Yung isa nga ay kinumpirma na kasali siya, eto yung teleserye ng TV5 na 'Nagbabagang Bulaklak' kung saan makakasama niya ang mga Kapatid stars na sina Arci Munoz, Richard Gomez, Carla Humphries at si Ruffa Gutierrez.

Habang ang isang pa niyang teleserye ay under sa ABS-CBN as of now hinde niya pa pinapangalanan kung ano itong serye na ito, pero ayon sa kanya ay nakapag script reading na siya with the other cast. Pero kung pagbabatayan ang latest tweet niya sa kanyang Twitter account ang makukuha mong sagot ay 'Mula sa Puso'.

Kase ayon sa tweet niya eh may screen test siya ngayon for her new Kapamilya teleserye at sa pagkakaalam ko eh ngayon ang photo shoot ng 'Mula sa Puso'. At eto pa ang latest update, naka suot ng white gown with black embellishments ang bida ng seryeng ito na si Lauren Young para nga sa ginaganap na photoshoot.

Oh well, kaka-proud itong si Valerie dahil freelancer siya at least hinde nalilimitahan ang experience niya bilang artista at higit sa lahat napapalaki niya ng maayos ang anak niyang si Fiona kahit single mother lang siya.

Pero sana nga sa 'Mula sa Puso' siya kasama para tama naman ang aking analysis bilang Accountancy Computerized Accounting System student ako.

Photo owned by Valerie Concepcion

No comments:

Post a Comment