Showing posts with label Technology. Show all posts
Showing posts with label Technology. Show all posts

Monday, August 29, 2011

ChatOn Service App of Samsung Can Send Free Text to Android, iOS, Blackberry & Bada


Ow Em ang bongga ng bagong Service App ng Samsung ang ChatOn...

Dahil sa ChatOn libre kang makakapgdala ng (text) message sa mga Smartphones na may Operating System na RIM (BlackBerry), Android OS (Samsung, LG, Sony Ericson, Huawei, Cherry Mobile, HTC etc), iOS (iPhone) at Bada (Samsung).

Ayon sa Korean manufacturer nito ay magkakaroon ito ng 2 versions: yung isa simpleng message habang yung isa ay mas bongga dahil pwede kang mag-komento sa profile ng iba at magpadala ng mga animated message.

Mautak ang Samsung dahil di lang nila ito ginamit sa kanilang sariling Operating System na (Samsung) Bada. Eh kung ang BlackBerry Messenger ay para sa BlackBerry (RIM OS) eh ang ChatOn ay available para sa 4 Operating Systems. May plano din ang Samsung na magkaroon ng web based version para sa mga PC!

Ang ChatOn ay ilulunsad sa darating na IFA trade show na gaganapin sa Berlin. Watch the demo below:



Photo by Samsung
Source: Engadget

Samsung to Release the LTE Versions of Galaxy S II & Galaxy Tab 8.9




Ang Android Phone nga ng Samsung na Samsung Galaxy S II ang tinaguriang Best Smartphone Ever. Pero alam ninyo bang may bago itong variant na lalabas gayundin sa Android Tablet na Samsung Galaxy Tab 8.9, which Samsung announced earlier.

Ipapakilala ang LTE variants ng mga ito sa IFA trade show na gaganapin sa Berlin sa darating na 2-7 September, 2011. Ang mga bagong variants na tatawagin na Samsung Galaxy S II LTE at Samsung Galaxy Tab 8.9 LTE ay mas mabilis ang wireless data transfer capability, na may download speeds hanggang 100 Mbps.

Sa ngayon ay wala pang sinasabi ang Samsung kung magkano ang magiging halaga nito kapag nilabas na ito sa market.

Photo by Samsung
Source: Mashable

Sunday, August 28, 2011

Teen Stars ng ABS-CBN & GMA Nagsama sa Isang Proyekto!!!!

Naku!!! Pagkagising ko kaninang umaga ay nagulat ako sa aking nakita sa mga dyaryo... at ikinatuwa ko naman ang aking nakita....

Nagsama nga sa isang proyekto ang mga Teen Stars ng GMA at ABS-CBN... Ang mga bida ng 'Mara Clara', 'Good Vibes', 'Tween Hearts', 'Growing Up', 'Tween Academy' at 'Way Back Home' nga ang endorsers ng latest touchscreen phone ng myPhone ang myPhone T18 Duo


Balita ko ang phone na ito ang pinakamurang Touch Screen phone na mabibili sa Pilipinas sa halagang P1,999 lamang. Pero kahit na ganito kababa ang presyo ay siksik naman ang nilalaman nito: Dual Sim, Radio, MP3/MP4 Player, Bluetooth at expandable memory up to 8GB (microSD).


Oo nga kung titingnan mo ang ibang mga bagong mobile phone ngayon eh wala ang myPhone T18 Duo pero ang market nito ay ang mga kabataan na wala pang perang pambili ng mga mamahaling touchscreen phones kaya perfect ang pagkuha sa mga nasabing teen stars para mag-endorso rito. At dahil nga para sa mga kabataan ang phone na ito, eh mabibili ito sa 7 iba't ibang kulay (check the poster above).

Photos by myPhone

Friday, August 26, 2011

NetPhone ng Smart Pantapat sa Balckberry


OW EM!!! Dahil sa patuloy na pangunguna ng mga Android Phones sa market at sa patuloy ng paglakas ng teknolohiyang Android OS kaya pati ang Smart Communications ay pinili ang Android para sa kanilang sariling cellphone unit.

Ito nga ang NetPhone na ini-endorso ng Azkals, nina Sam Pinto, Andi Manzano.... Ang NetPhone ay isang Android Phone (Froyo 2.2) na mabibili mo lamang sa halagang P9,900.00.

Pero ano nga ba ang ipinagkaiba nito sa ibang Android Phones?

The difference is the SmartNet. SmartNet is simply a suite of applications that works closely with the Smart Network which makes using the services easier than ever.

Pero ang dalawa sa ikinagusto ko rito ay ang NetPhone Messenger at FX Messaging. Oh yes, ang NetPhone Messenger ay hango sa kilalang BlackBerry Messenger. Using NetPhone Messenger ay pwede ka magpadala ng FX Messaging, which is a special messages featuring sound and video. Maaari kang magpadala ng Kiss, Care or buzz your friend.... Pero super baduy ng FX Messenger... parang pang Tweens lang...

Isa pang ayoko rito ay pang-Smart network lang sya at kung titingnan ang Specifications din nito ay hinde ganun kabongga... Check the Specs below


This is what keeps it running

OS: Android Froyo 2.2
CPU: ARM11, 600MHZ

Sleek and classy
Candy bar handset with full touch interface that's responsive

Fits right into your pocket.
114mmx56mmx12.2mm

Light weight
120g

Band
GSM 900/1800/1900 MHz
UMTS 900/2100 MHz

Enough free space.
Flash:512MB
Internal Memory: About 150 MB for user.
Comes with a 2GB Micro SD memory card, expandable up to 16GB.

Display to impress.
3.5 inch 800*480 pixels WVGA resolution
262K color (18 bit color) TFT and 65K is android system limited.
usable screen size portrait : 764*480 or landscape 800*444
Capacity Touch screen


Battery 1250mAh


Supports different types of connection. 3G: WCDMA/HSDPA
2G: GSM/GPRS/EDGE
Wifi
GPS Internal GPS antenna
Support standalone


Never miss your favorite radio show. Tuning range: 87.5Mhz~ 108Mhz
Auto and manual channel search
Numbers of Saving Channel >10

Gaya ng Blackberry, may mga plans din ang Smart na nilaan para sa kanilang cellphone. Just better call the Smart Service Hotline or go to your nearest Smart Wireless Center for more infos.

Photos and infos via NetPhone.ph