Tuesday, March 22, 2011

KUMPIRMADO: Premiere Night ng 'Catch Me... I'm in Love' Dinumog ng Super Daming Tao

Dinumog ng libo-libong tao ang SM Megamall para sa grand premiere night ng pelikula ng Star Cinema na 'Catch Me... I'm in Love' na kasalukuyan ngang ginaganap.

Siyempre umattend ang mga baida nito na sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Present din ang mga ibang artistang sumuporta sa pelikula katulad nina Christian Bautista, Jed Madela at marami pang iba.

Kahit expected na ng Star Cinema na dadagsain ang premiere night na ito ay naloka pa rin sila sa sobrang daming pumunta. Imagine mapa-Ground Floor (Photo 6), loob ng sinehan (Photos 3, 4 and 5), at 3 floors ng SM Megamall ay puno ng napakaraming tao . Wow... ngayon pa lamang ay dapat mag-celebrate na ang Star Cinema dahil isa itong Mega Blockbuster!!!

Congrats sa Star Cinema, Gerald Anderson, Matteo Gudicelli, Direk Mae at sa lahat ng bumubo ng pelikula.







Photos by Gretchen, Rod, Mico, and Roxy

No comments:

Post a Comment