Monday, March 21, 2011

Mga Bagong Tambalan Handog ng Star Cinema. Matapang! Bongga!

Kanina habang nanonood ng 'Harry Potter' ay bigla kong naisip ito (aba may isip pala ako, kalurky!)

Napansin ko na puro mga bagong tambalan ang mga magbibida o nagbida sa mga pelikula ng Star Cinema for this year. Kakatakot ito kasi isa itong malaking sugal. Pero humahanga ako sa Star Cinema dahil hinde ito takot sumugal sa mga bagong tambalan sa pelikula. Pansinin:

-Ang unang pelikula ng Star Cinema ay ang 'Bulong' na pinagbidahan nina Angelica Panganiban and Vhong Navarro with Direk Chito Rono. First time ang tambalang ito na magbida!
-Susundan ito nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo with Direk Mae Cruz ng pelikulang 'Catch Me... I'm In Love' na ipapalabas this Wednesday. First time din.
-Andyan ang Vic Sotto-Bea Alonzo film with Pokwang, Zaijian Jaranilla and Xyriel Manabat. First time.
-Ang pinakamalaking pelikula ngayong taon, na pagbibidahan nina Aga Muhlach, Angel Locsin at Jake Cuenca with Direk Olivia Lamasan, na ipapalabas ngayong May. Bagong tambalan din.
-Andyan ang 'Basted' nina Maja Salvador at Matteo Gudicelli.
-Andyan din ang pelikula nila Kathryn Bernardo-Albie Casino at Julia Montes-AJ Perez. First time natin makikita ang mga tambalang ito sa pelikula, for Kath-Albie dati sa TV lang whilst ang Julia-AJ ay first time talaga.
-Bongga din ang Toni Gonzaga-Eugene Domingo film with Direk Joey Reyes.
-Isama mo pa ang Piolo Pascual-Kim Chiu film.
-Idagdag mo rin ang KC Concepcion-Sam Milby film.
-Di magpapahuli ang nakaka-tibong tambalan nina Bea Alonzo at Angel Locsin para sa 'MMK The Movie'.
-Mananakot naman ang tambalan nina Erich Gonzalez at Derek Ramsay para sa 'Corazon'.
-May balita ring makakasama ng Kanto Boys si Toni Gonzaga

Kaka-excite at nakakabilib. Ewan ko kung may nakalimutan pa ako, just let me know.

Photo via Wikipedia

No comments:

Post a Comment