Tuesday, March 8, 2011

Pilot Episode ng 'Minsan Lang Kita Iibigin' Panalo sa National & Mega Manila TV Ratings


Waging-wagi nga ang pilot episode ng 'Minsan Lang Kita Iibigin' ayon sa TV ratings na inilabas ng TNS (Kantar Media) at AGB-NMR.

Sa Mega Manila People Ratings na inilabas ng AGB-NMR nakakuha ang 'Minsan Lang Kita Iibigin' ng 15.6%. Habang sa bonggang National Household Ratings na inilabas naman ng TNS ay nakakuha ito ng 37.8% na siyang pinakamataas na ratings na nakuha ng isang programa kagabi. Record breaking din ang 'Minsan Lang Kita Iibigin' dahil ito ang teleseryeng nakakuha ng pinakamataas na TV ratings sa pilot episode nito for the past 12 months.

At base sa mga ratings na iyan, ay nakuha ng ABS-CBN ang top spots habang ang TV5 naman ay di nakapasok sa Top 10 man lang. Nasaan ang kulto ni Willie Revillame? Kase naman walang K yang Shalani na yan, no? At infairness sa GMA talagang isang Koreanovela ang namamayagpag sa kanila yun nga lang wrong move ang ginawa nilang paagahin ito dahil pinataob ito ng 'Mara Clara'. Buti na lang napanood ko sa online ang 'The Baker King'

Sa ngayon wala pa akong kopya ng Mega Manila Household TV Ratings na galing sa TNS.

Eto ang TOP 10 Primetime Programs for March 7, 2011

Mega Manila People Ratings (AGB-NMR)
RANKING
TV SHOWS
TV STATION
RATINGS
1stMara ClaraABS-CBN16.8%
2ndMinsan lang Kita IibiginABS-CBN15.6%
3rdMutyaABS-CBN13.8%
4thThe Baker KingGMA13.1%
5thImortalABS-CBN12%
6th24 OrasGMA11.7%
7thDwarfinaGMA11%
8thI Heart You PareGMA10.9%
9thTeeeVeeeey PatrolABS-CBN10.2%
10thMagic PalayokGMA9.9%

National Household Ratings (TNS)
RANKING
TV SHOWS
TV STATION
RATINGS
1stMinsan Lang Kita IibiginABS-CBN37.8%
2ndMara ClaraABS-CBN36.6%
3rdMutyaABS-CBN36.0%
4thTeeeVeeeey PatrolABS-CBN26.9%
5thImortalABS-CBN24.8%
6th24 OrasGMA21.6%
7thThe Baker KingGMA20.0%
8thMagic PalayokGMA19.6%
9thI Heart You PareGMA19.4%
10thDwarfinaGMA18.5%

Sources: TNS and AGB-NMR
Photo by Bugoy Carino

No comments:

Post a Comment