Monday, March 7, 2011

Angelica Panganiban Dapat Gayahin si Anne Curtis Bilang Kahanga-hangang Twitter Celebrity

Kahanga-hanga ang celebrity na si Anne Curtis at para sa akin isa siyang halos perpektong role model.

Hinde lang sa kanyang panglabas na kaanyuan ang kanyang kagandahan kundi pati ang kanyang kalooban. Marami akong nadidinig na mga balita na napaka-sweet, napaka-cool, napakabait na katrabaho itong si Anne Curtis.

Pero ang isa ko pang hihangaan sa kanya ay kung paano niya i-handle ang mga wirdong tanong at mga bastos at masasakit na tweet sa kanya ng ilang haters na walang magawa sa buhay. Kahit na binabastos siya at ang kanyang pamilya ng mga haters sa Twitter world eh napakaganda pa rin ang pagsagot niya sa mga ito, napakasosyal pa rin ng kanyang paraan. Hinde gaya ng ibang celebrity na pinalalandakan pa na tapos sila sa UP at hinde rin gaya ng ibang celebrity na super patol sa mga haters.

Kaya naman di nakakapagtaka kung bakit si Anneski ang nangungunang Pinoy sa Twitter world with almost 800,00 followers (as of now). At take note may sense at halatang iniisip muna ni Anne ang kanyang mga itini-tweet hinde yung basta-basta lamang siya nag-tutweet para lang masabing marunong siya mag-twitter. At kailanman di niya ginamit ang kanyang Celebrity status para saktan at gantihan ang kanyang haters.

Hinahangaan ko rin ang Twitter celebrities na sina Angel Locsin, Lady GaGa, Ogie Diaz, Jericho Rosales, Karylle, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez, KC Concepcion, Matt Lewis, Charlie Green, David Archuleta, Cesca Litton, Aiza Seguerra, Zsa Zsa Padilla, Charice at Bekimon.

Na-alarma ang aking makulay na kuko sa isyung Angelica Panganiban Twitter War. Oo, maling-mali yung baklitang Azkals fan na naging hater ni Angelica Panganiban. Mali yung laiitin niya si Angelica at gamitin ang mga word na tsup* para laitin ito. Dahil unang-una tungkol sa sports ang topic at hinde kama.

Pero aminin naman natin na may mali din itong si Angelica, fan niya ako dahil magaling siyang umarte pero remember ako yung fan na malawak ang pag-iisip, yung tipong kapag may mali ang idol ko eh talagang sinasabi kong mali.

Doon pa lang sa pinakauna niyang tweet ay mali na siya. Imagine hinde pala talaga artista si Phil Younghusband sa indie film, so yung info na na-tweet ni Angelica ay mali. At saka di ba naisip ni Angelica na ang boyfriend niya ay isa ring Atleta pero nagagawa niya pa ring magbida sa mga teleserye at pelikula. Eh kung si Jose Rizal nga ang dami naging carrer pero na-achieve niya pa rin ang kalayaan na minimithi niya sa ating bayan at napaka-ganda ng kanyang pagsulat sa 'Noli Me Tangere' at 'El Filibusterismo'. Mali din naman yung baklitang hater na sinabing walang napalunan si Derek dahil meron naman. Oo, nagalit si Angelica pero sana di na niya pinatulan, sana smiley na lang ang nireply niya o kaya ginamit niya ang word na block sa twitter. Kaya niya may word na block sa twitter at facebook dahil kung stress ka na sa isang tao eh di gamitin mo ito.

Simple lang naman ang buhay, kung ayaw mo eh di tanggalin mo, doon ka sa bagay na magpapasaya sa iyo at hinde doon sa bagay na magpapa-stress sa iyo. Parang panonood ng TV, kung ayaw mo ang pinanonood mo eh di ilipat mo sa ibang channel o kaya patayin mo ito, kaya nga inimbento ang remote control para gamitin di ba? Bakit mo kukunsumihin ang sarili mo sa bagay na nakakapag stress sa iyo, remember nakaka-wrinkles at nakamamatay ang stress.

May mga bagay di na dapat pinapatulan, i-smile at i-block mo lang, lalo na kung sa una pa lang ay alam mo ng mali ka na. Saka sana huwag natin gamitin ang pagiging celebrity natin para gantihan ang hater mo dahil gaya ng isang preso, may karapatang pantao rin ang baklitang tigyawat na iyon. Marami tuloy nagtataka at naiinis sa iyo kung bakit mo pinatulan at pinalaki ang gulong ito. Marami tuloy ang nag-iisip na kaya mo ito pinapatulan dahil gusto mo lang mapag-usapan. Well, hinde natin masisi ang mga tao, remember the saying: We can not please everybody even if you have a pleasing personality.

Sana ay maging learning experience itong issue na ito sa ating lahat. Kahit di naging maganda ang image ni Angelica sa issue na ito, eh fan pa rin niya ako at tanggap ko sa sarili ko na ang mga idols natin ay tao lang na nagkakamali. Di gaya ng ibang fans diyan na makitang nakangiti ang idol nila sa TV eh feeling nila na parang anghel sa super bait yung idol nila.

Photo owned by Anne Curtis

No comments:

Post a Comment