Wednesday, March 9, 2011

'Taksikab' Director Archie Del Mundo Hindi Natatakot Sa Magiging Reaksyon ng Tao


Nalalapit na nga ipalabas ang Indie Film na 'Taksikab' na pagbibidahan ng aktor na si Kristofer King, at ako ay excited na mapanood ang pelikulang ito (For more infos about the premiere night of this film just go here.)

Maswerte ako dahil napagbigyan ako ng Direktor ng 'Taksikab' na si Archie Del Mundo. Narito po ang unang parte.

Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng pelikulang 'Taksikab'?
Ang 'Taksikab' ay tungkol sa biyahe ng buhay. Sa mga umaalis, at dumarating. Repleksyon ito ng buhay sa kasalukuyan at kung ano ang pagtingin ng mga tauhan na hinalaw sa totoong buhay. Lahat ng mga karakter ko dito ay may koneksyon sa taxi.

Ano ang kaibahan ng 'Taksikab' sa ibang indie film?
Pinilit namin maiba, at kahit papaano ay umigpaw naman ng bahagya lalo na sa konteksto ng pagkukuwento at cinematic expression. Dito pinatunayan ko na ang real-time stories ay pwedeng sabay na bumiyahe ang tao at lugar sa iisang panahon at penomenon

Ito ang una mong pelikula bilang isang direktor, natatakot ka ba sa magiging reaksyon ng tao kapag napanood nila ito?
Hindi takot sa halip ay pananabik kung ano man ang magiging reaksyon nila. Positibo man o negatibo.

Anong klase kang direktor? Istrikto ka ba? Mapagpasensiya ka ba?
OO istrikto ako pero mapagpasensya. Sumisigaw at nagtataray din ako kung kinakailangan

Mula ng simulan mong gawin ang pelikulang ito, dumating ba sa punto na napanghinaan ka ng loob?
Dumarating siyempre minsan ang panghihina ng loob pero bago pa man ako bumagsak, nakakabawi kagad ako

Abangan ang mga susunod na bahagi ng aking panyam kay Direk Archie del Mundo.


Read the whole interview
Part 2 Read Here...
Part 3 Read Here...

No comments:

Post a Comment