Tuesday, April 26, 2011

AJ Perez Dapat Kasama sa 'Mara Clara The Movie'


Kanina ay nilibing na sa kanyang huling hantungan ang Kapamilya rising-star na si AJ Perez.

Isa talaga ako sa maraming nanghihinayang sa masamang nangyari kay AJ. Imagine, ito yung taon niya, I mean, binibuild-up na siya ng ABS-CBN to be one of their male superstar. Sayang talaga, isa na siya sa bida ng teleseryeng 'Sabel' tapos dapat kasama din siya sa Philippine TV remake ng 'Maria la del Barrio' bilang kapatid ni Enchong Dee.

Tapos sa Sabado nga ay mapapanood sa una at huli niyang pagkakataon na maging bida sa 'MMK'. Last month nga ay ibinalita ko (just click here to read the post) na magbibida siya sa isang pelikula ng Star Cinema kung saan makakasama niya sina Julia Montes, Kathryn Bernardo at Albie Casino. Ang pelikulang ito ay ang 'Mara Clara (The Movie)' na sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Ang 'Mara Clara (The Movie' ay iba sa teleseryeng 'Mara Clara'. Ayon sa aking nasagap, kundi continuation ay malamang isa iton spin-off ng nasabing teleserye. At balita ko rin di kasama sa pelikulang ito ang iba pang cast ng teleserye.

We will miss you AJ! Rest in peace.

Photo by Marie Lozano

No comments:

Post a Comment