Thursday, April 7, 2011

'Mara Clara (The Movie)' Nakatakdang Ipalabas Ngayong Taon


Na-miss ko talaga ng bongga yung mga pelikulang hinahango sa mga TV shows kung hinde ako nagkakamali ay ang 'Mulawin' ang huling Pinoy TV show na ginawang pelikula.

Dahil nga tagumpay nito, as in nangunguna pa rin, ang 2010 TV remake ng 'Mara Clara' ay muli na namang isasapelikula. Matatandaang ang original TV version nito na pinagbidahan nina Judy Anne Santos at Gladys Reyes ay ginawa ring pelikula. At balita ko this year ipapalabas ang bagong 'Mara Clara (The Movie)' na pagbibidahan pa rin nina Kathryn Bernardo at nag napakagaling umarteng si Julia Montes.

Hinde lang ito ang pelikulang ipapalabas this year na hango sa TV show, nauna ko na ngang naibalita na gagawan muli ng pelikula ang 'MMK' para sa ika-20 anibersaryo nito na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Angel Locsin.

Sana this time wag na sanang malaman ni Mara na mayaman siya kasi mas bet ko si Clara na magaling umarte.

Photo via mangdaney.wordpress.com

No comments:

Post a Comment