Tuesday, May 17, 2011

'Mara Clara' Magtatapos sa June 3!


Bilang na nga ang araw ng teleseryeng 'Mara Clara' na tinaguriang Ina ng Pinoy Teleserye.

Sa pagwawakas ng teleseryeng ito, may mga bagong artista ang isinila, nakilala, at muling nabuhay ang career. Sa teleseryeng ito nakitaan ng husay sina Julia Montes (Clara), Jhong Hilario (Gary), Mylene Dizon (Susan), Kiray (Desiree), Dimples Romana (Alvira) at Gina Pareno (Lupe) pero itong si Kathryn Bernardo ay nakakaloka ang walang katoryang-tiryang pag-arte parang palaging antok.

Kahit di perpekto as in maraming mali sa istorya ng 'Mara Clara', I'm sure tumatak ito sa puso ng masang Pinoy. Abangan ang pagtatapos sa pagsisimula ng panibagong taong pampaaralan. Ang pagtatapos sa June 3, 2011.

No comments:

Post a Comment