Wednesday, May 11, 2011

Willie Revillame Balik TV sa 'Wil Time Bigtime' Ngayong Sabado Na!


Simula sa Sabado, May 14, 5PM ay balik TV na ang controversial TV Host na si Willie Revillame.

Makakasama niya sa kanyang pagbabalik ang mga nagbabalik ding dating cast at staff ng 'Willing Willie' sa pangunguna ng pambansang tuod na si Future Senator Shalani Soledad, na todo kayod at expose para maging Senadora. Ngunit sa kanilang pagbabalik isang bagong programa na ang kanilang sisimulan, na may kaparehong konsepto ng 'Willing Willie' at ito ang 'Wil Time Bigtime' na mas may pinabonggang laro, papremyo at set.

Di ako magugulat kung magpaparinig, masasangkot ulit sa kontrobersiya si Koya Wel at hihingi ng patawad sa huli dahil sa ganyan yan magaling, bihasa yan dyan! At sana kunin ng Enervon itong si Senator Shalani bilang endorser nila dahil puno ng enerhiya ang babaeng ito, na nakikita natin sa kanyang paghohost. Naku! Ahahaha...

Pero I'm sure ang hatid ng programang ito ay mapasaya ang mga Kapatid at makatulong sa mga nangangailangan. Matulungan kaya ako ng show na ito, kasi kailangan ko ng isang lalakeng maglalagay ng laman sa aking bahay bata. \:D/ x

Photo by Jonathan Garcia

No comments:

Post a Comment